Sunday, 12 January 2020

Highest Grossing Filipino Films every year (2010-2019)

Mga ka-Bizz, magandang balita na kada taon merong kumukita pelikulang Pilipino kahit na kadalasang nauungusan ng mga foreign films.

Mula sa listahan ng ABS-CBN ng mga pelikulang kumita ngayon dekada, ating alamin kung nakasama ba ang inyong mga paboritong pelikula.

2019
Hello, Love, Goodbye (P880.6 million)
Starring: Kathryn Bernardo and Alden Richards

Director: Cathy Garcia-Molina

Opening Date: July 31, 2019


Ito ang unang pagkakataon na nagtambal ang pinakasikat na artista ng Kapamilya at Kapuso network.

Sa gitna na kasikatan ni Alden Richards at ni Kathryn Bernanrdo, madami ang hindi sumang ayon at nagduda sa bagong tambalan.

Ngunit pinatunayan ng pelikula na nasa husay ng mga aktor at aktres, abilidad ng direktor at ganda ng istorya ang hanap kadalasan ng mga moviegoers.

Malakas din ang hatak ng pelikula abroad dahil sa tema nito tungkol sa OFW. Nagpamalas ng kagalingan si Alden at Kathryn na parehong naging matured ang atake sa bawat eksena.

Malaking bahagi din ng tagumpay ng Hello, Love, Goodbye ang fanbase ng dalawang bida.

Currently, ang Hello, Love, Goodbye ang Highest Grossing film of all time ng Pilipinas.

2018
The Hows of Us (P805 million)
Starring: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

Director: Cathy Garcia-Molina

Opening Date: August 29, 2018

 

Sa taong 2018, ang pinakamalakas sa takilya ay ang pelikula ng #Kathniel na “The Hows of Us”

Sa pelikulang ito nagpamalas ng isang matured na Kathniel. Kadalasan nakikita natin ang Kathniel sa isang nakakakilig at pang bagets na pelikula.

Sa The Hows of Us, iba ang naging atake nina Kathryn at Daniel sa karakter na kanilang ginampanan. Lumutang ang galing ni Kathryn na nagpamalas ng galing sa acting.

Ito ang unang pelikulang Pilipino na kumita P800M at nanatiling highest grossing film of all time bago ipinalabas ang Hello, Love, Goodbye


Ang mga sumusunod na pelikula ay hindi na kailangan ng mahabang expalantion dahil madaling kumita at may advantage ang mga ito dahil kalahok ang mga susunod na pelikula sa Metro Manila Film Festival na kadalsang nagaganap tuwing kapaskuhan hanggang bagong taon. (Except A Second Chance and My Amnesia Girl)

2017
Gandarrapiddo! The Revenger Squad (P571 million)
Starring: Vice Ganda, Daniel Padilla, Pia Wurtzbach

Director: Joyce Bernal

Opening Date: December 25, 2017


2016
The Super Parental Guardians (P598 million)
Starring: Vice Ganda, Coco Martin

Director: Joyce Bernal

Opening Date: November 30, 2016


2015
A Second Chance (P556 million)
Starring: Bea Alonzo, John Lloyd Cruz

Director: Cathy Garcia-Molina

Opening Date: November 25, 2015


Ito ang follow-up movie nila Bea and John Loyd mula sa una nilang pelikula na box office hit din ng nakaraang dekada - ang One More Chance.

Ang One More Chance ay isa sa mga modern classic films dahil sa ganda ng istorya, galing ng cast at di malilimutang mga eksena at linya mula kay Bea at John Loyd.

Sinundan ng pelikulang ito ang naging buhay nina Basha at Popoy matapos nilang ikasal at magkaroon ng buhay pamilya.

Naging malaking tulong ang following or paghihintay ng mga fans na nakapanood ng One More Chance kaya di kataka taka na pumalo ulit ang Bea-John Loyd tandem sa box-office

2014
The Amazing Praybeyt Benjamin (P455 million)
Starring: Vice Ganda

Director: Wenn V. Deramas

Opening Date: December 25, 2014



2013
Girl, Boy, Bakla, Tomboy (P427 million )
Starring: Vice Ganda

Director: Wenn V. Deramas

Opening Date: December 25, 2013


2012
Sisterakas (P393 million)

Starring: Vice Ganda, Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas

Director: Wenn V. Deramas

Opening Date: December 25, 2012



2011
The Unkabogable Praybeyt Benjamin (P331.6 million)
Starring: Vice Ganda

Director: Wenn V. Deramas

Opening Date: October 26, 2011




2010
My Amnesia Girl (P144.8 Million)
Starring: Toni Gonzaga and John Lloyd Cruz

Director: Cathy Garcia-Molina

Opening Date: November 24, 2010



Ito ang unang pagtatambal nina Toni at John Loyd sa pelikula na huling ring nagtambal sa isang sitcom sa ABC-CBN na Home Sweetie Home.

Cute ang story ng pelikula, nagsimula ito ng talikuran ni (Apollo) John Loyd si Irene (Toni) sa mismong araw ng kanilang kasal.

Pagkatapos ng ilang taon, muling nagtagpo ang landas ng dalawa at pursigidong pukawin ulit ni Apollo ang pagibig mula kay Irene. Ngunit may isang malaking problema - nagka amnesia si Irene.

Patuloy nating suportahan ang lahat ng pelikulang Pilipino. Kanino kayang movie ang no. 1 sa taong 2020. Abangan!


No comments:

Post a Comment

Tala fever ni Sarah Geronimo, unstoppable!

Isa ka rin ba sa na LSS sa kanta ni Popstar Royalty Sarah Geronimo na Tala o di kaya isa sa mga nag post sa Youtube or Instagram ng Tala ...