Sunday, 12 January 2020

Mga Kapamilya, ABS-CBN closing soon na nga ba?



Di kaila sa taong bayan ang nalalapit na pagtatapos ng franchise ng giant network na ABS-CBN.

Subalit klaro mula kay Pangulong Duterte ang kanyang pagtutol sa pagbibigay sa ABS-CBN ng panibagong prankisa or franchise upang patuloy itong makapag operate or broadcast ng mga programa sa Pilipinas.

Nag-ugat ang lahat noong nakaraang Presidential election kung saan inakusahan ng Pangulo ang TV network ng hindi pagere ng lahat ng kaniyang patalastas or commercial para sa kanyang kampanya.

Matapos ang election at manalo bilang pangulo si PRD,  sunod-sunod ito sa pagsabi na gagawin nito ang lahat upang maharang ang renewal ng TV network.

Sa kasalukuyan, nakabinbin pa rin sa Kongreso ang renewal ng ABS-CBN bagaman may ilang kongresista at senador na ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa renewal ng TV network.

Nagpahayag din ang Kongreso na muli nilang tatalakayin ang renewal ngayong 2020 at sisikapin nitong maging patas. Sa huling birada ni PRD, sinabi nito sa isang kaganapan na ibenta na lang ng ABS-CBN ang kanilang istasyon.

Ang aming hiling at hiling ng marami na maayos itong isyu at mabigyan ng pagkakataong muling ma renew ang ABS-CBN para sa kapakanan ng marami nitong manggagawa at talents na umaasa ng kabuhayan at trabaho mula sa TV network.

Nanatiling tahimik ang ABS-CBN at kanilang mga talents sa nasabing isyu. For them, show must go on.

Patuloy aantabyanan ng The Bizz ang isyung ito kasangkot ang ABS-CBN at PRD.

No comments:

Post a Comment

Tala fever ni Sarah Geronimo, unstoppable!

Isa ka rin ba sa na LSS sa kanta ni Popstar Royalty Sarah Geronimo na Tala o di kaya isa sa mga nag post sa Youtube or Instagram ng Tala ...