Monday, 13 January 2020

Tala fever ni Sarah Geronimo, unstoppable!


Isa ka rin ba sa na LSS sa kanta ni Popstar Royalty Sarah Geronimo na Tala o di kaya isa sa mga nag post sa Youtube or Instagram ng Tala dance craze?

Tila di pa rin magpapapigil sa pagsikat ang kanta ni Sarah na na release 3 years ago. Sa katanuyan, marami pa ring artista mapa kapamilya man or kapuso na nag upload na kanilang video ng Tala dance craze.

Dito mapapatunayan ang hatak at galing ni Sarah Geronimo, na pwedeng maging viral ang kanta kahit pa na i release ang kanta ng 3 years ago pa.

Patunay dito ang music video ng Tala  na naka 41 million views na sa Youtube.

Di naman kataka takang maging viral ang kanta magpahanggang ngayon dahil maganda ang melody at chrous ng kanta. Madaling matandaan at modern ang beat and sound.

Kaya sabay sabay tayong mag Tala moves. Dali at i upload na ang inyong videos.

Narito ang Official Music Video ng Tala by Sarah Geronimo:




Sunday, 12 January 2020

Highest Grossing Filipino Films every year (2010-2019)

Mga ka-Bizz, magandang balita na kada taon merong kumukita pelikulang Pilipino kahit na kadalasang nauungusan ng mga foreign films.

Mula sa listahan ng ABS-CBN ng mga pelikulang kumita ngayon dekada, ating alamin kung nakasama ba ang inyong mga paboritong pelikula.

2019
Hello, Love, Goodbye (P880.6 million)
Starring: Kathryn Bernardo and Alden Richards

Director: Cathy Garcia-Molina

Opening Date: July 31, 2019


Ito ang unang pagkakataon na nagtambal ang pinakasikat na artista ng Kapamilya at Kapuso network.

Sa gitna na kasikatan ni Alden Richards at ni Kathryn Bernanrdo, madami ang hindi sumang ayon at nagduda sa bagong tambalan.

Ngunit pinatunayan ng pelikula na nasa husay ng mga aktor at aktres, abilidad ng direktor at ganda ng istorya ang hanap kadalasan ng mga moviegoers.

Malakas din ang hatak ng pelikula abroad dahil sa tema nito tungkol sa OFW. Nagpamalas ng kagalingan si Alden at Kathryn na parehong naging matured ang atake sa bawat eksena.

Malaking bahagi din ng tagumpay ng Hello, Love, Goodbye ang fanbase ng dalawang bida.

Currently, ang Hello, Love, Goodbye ang Highest Grossing film of all time ng Pilipinas.

2018
The Hows of Us (P805 million)
Starring: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

Director: Cathy Garcia-Molina

Opening Date: August 29, 2018

 

Sa taong 2018, ang pinakamalakas sa takilya ay ang pelikula ng #Kathniel na “The Hows of Us”

Sa pelikulang ito nagpamalas ng isang matured na Kathniel. Kadalasan nakikita natin ang Kathniel sa isang nakakakilig at pang bagets na pelikula.

Sa The Hows of Us, iba ang naging atake nina Kathryn at Daniel sa karakter na kanilang ginampanan. Lumutang ang galing ni Kathryn na nagpamalas ng galing sa acting.

Ito ang unang pelikulang Pilipino na kumita P800M at nanatiling highest grossing film of all time bago ipinalabas ang Hello, Love, Goodbye


Ang mga sumusunod na pelikula ay hindi na kailangan ng mahabang expalantion dahil madaling kumita at may advantage ang mga ito dahil kalahok ang mga susunod na pelikula sa Metro Manila Film Festival na kadalsang nagaganap tuwing kapaskuhan hanggang bagong taon. (Except A Second Chance and My Amnesia Girl)

2017
Gandarrapiddo! The Revenger Squad (P571 million)
Starring: Vice Ganda, Daniel Padilla, Pia Wurtzbach

Director: Joyce Bernal

Opening Date: December 25, 2017


2016
The Super Parental Guardians (P598 million)
Starring: Vice Ganda, Coco Martin

Director: Joyce Bernal

Opening Date: November 30, 2016


2015
A Second Chance (P556 million)
Starring: Bea Alonzo, John Lloyd Cruz

Director: Cathy Garcia-Molina

Opening Date: November 25, 2015


Ito ang follow-up movie nila Bea and John Loyd mula sa una nilang pelikula na box office hit din ng nakaraang dekada - ang One More Chance.

Ang One More Chance ay isa sa mga modern classic films dahil sa ganda ng istorya, galing ng cast at di malilimutang mga eksena at linya mula kay Bea at John Loyd.

Sinundan ng pelikulang ito ang naging buhay nina Basha at Popoy matapos nilang ikasal at magkaroon ng buhay pamilya.

Naging malaking tulong ang following or paghihintay ng mga fans na nakapanood ng One More Chance kaya di kataka taka na pumalo ulit ang Bea-John Loyd tandem sa box-office

2014
The Amazing Praybeyt Benjamin (P455 million)
Starring: Vice Ganda

Director: Wenn V. Deramas

Opening Date: December 25, 2014



2013
Girl, Boy, Bakla, Tomboy (P427 million )
Starring: Vice Ganda

Director: Wenn V. Deramas

Opening Date: December 25, 2013


2012
Sisterakas (P393 million)

Starring: Vice Ganda, Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas

Director: Wenn V. Deramas

Opening Date: December 25, 2012



2011
The Unkabogable Praybeyt Benjamin (P331.6 million)
Starring: Vice Ganda

Director: Wenn V. Deramas

Opening Date: October 26, 2011




2010
My Amnesia Girl (P144.8 Million)
Starring: Toni Gonzaga and John Lloyd Cruz

Director: Cathy Garcia-Molina

Opening Date: November 24, 2010



Ito ang unang pagtatambal nina Toni at John Loyd sa pelikula na huling ring nagtambal sa isang sitcom sa ABC-CBN na Home Sweetie Home.

Cute ang story ng pelikula, nagsimula ito ng talikuran ni (Apollo) John Loyd si Irene (Toni) sa mismong araw ng kanilang kasal.

Pagkatapos ng ilang taon, muling nagtagpo ang landas ng dalawa at pursigidong pukawin ulit ni Apollo ang pagibig mula kay Irene. Ngunit may isang malaking problema - nagka amnesia si Irene.

Patuloy nating suportahan ang lahat ng pelikulang Pilipino. Kanino kayang movie ang no. 1 sa taong 2020. Abangan!


Taal Volcano has erupted after 70 years!

Mga ka Bizz ingat kayo.

Itinaas na ang alert level to 4. Ingat ang lahat lalo na ang mga ka Bizz na malapit sa Batangas.

Sa mga ganitong sakuna, gawin at i observe ang mga sumusunod:

  • Panatilihing maging alerto. 
  • Ihanda ang mga emergency lights.
  • Mag impake ng mga importanteng bagay (damit,pagkain,pera) in case of emergency.
  • Siguraduhing na i charge ang inyong mga cellphone.
  • I check kung may sapat ng grocery items at pagkain. 
  • Bumili din ng face mask laban sa ash fall at masamang amoy.
  • At higit sa lahat, maging alerto sa mga pangyayari. 
  • Manood ng balita at mag check ng updates sa social media.

Some of the photos taken by netizens. Credits to all the  owners.

Be safe and pray.



























Mga Kapamilya, ABS-CBN closing soon na nga ba?



Di kaila sa taong bayan ang nalalapit na pagtatapos ng franchise ng giant network na ABS-CBN.

Subalit klaro mula kay Pangulong Duterte ang kanyang pagtutol sa pagbibigay sa ABS-CBN ng panibagong prankisa or franchise upang patuloy itong makapag operate or broadcast ng mga programa sa Pilipinas.

Nag-ugat ang lahat noong nakaraang Presidential election kung saan inakusahan ng Pangulo ang TV network ng hindi pagere ng lahat ng kaniyang patalastas or commercial para sa kanyang kampanya.

Matapos ang election at manalo bilang pangulo si PRD,  sunod-sunod ito sa pagsabi na gagawin nito ang lahat upang maharang ang renewal ng TV network.

Sa kasalukuyan, nakabinbin pa rin sa Kongreso ang renewal ng ABS-CBN bagaman may ilang kongresista at senador na ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa renewal ng TV network.

Nagpahayag din ang Kongreso na muli nilang tatalakayin ang renewal ngayong 2020 at sisikapin nitong maging patas. Sa huling birada ni PRD, sinabi nito sa isang kaganapan na ibenta na lang ng ABS-CBN ang kanilang istasyon.

Ang aming hiling at hiling ng marami na maayos itong isyu at mabigyan ng pagkakataong muling ma renew ang ABS-CBN para sa kapakanan ng marami nitong manggagawa at talents na umaasa ng kabuhayan at trabaho mula sa TV network.

Nanatiling tahimik ang ABS-CBN at kanilang mga talents sa nasabing isyu. For them, show must go on.

Patuloy aantabyanan ng The Bizz ang isyung ito kasangkot ang ABS-CBN at PRD.

Jadine no more! Hiwalay na nga ba?

Photo courtesy of Nadine's Instagram

Kasabay ng pagpasok ng bagong taon, pumutok ang balitang hiwalay na si James Reid at Nadine Lustre, mas kilala sa pangalang Jadine bilang isang loveteam and magkarelasyon sa totoong buhay.

Hindi maganda ang taong 2019 para kay Nadine dahil sa lahat ng pagsubok na kanyang pinagdaanan kabilang ang malungkot na isyu sa kanyang pamilya. Samantala, naging magaan para kay James ang taong 2019 dahil naging bahagi siya ng Philippine Idol at nakatakdang gumawa ng isang teleserye kasama si Nancy ng Momoland.

Bagamat nandiyan si James and Nadine para sa isat isa, umugong ang balitang hiwalay na ang dalawa sa pagpasok ng taong 2020.

Hindi napigilang sumagot ni Nadine sa pamamagitan ng social media ng kanyang saloobin kaugnay ng isyung paghihiwalay. Ayon sa kanya, hindi biro na gawing isyu ang tungkol sa mental health issue ng isang tao at ang kanyang mga pinagdaanan ngayong taon. Bagamat hindi diretsahang sinagot ni Nadine ang isyu tungkol sa hiwalayan, marami paring nagtatanong kung sila'y hiwalay na nga ba especially ang mga Jadine fans.

Recently, sa gitna ng isyu, namataang magkasama pa rin sina Jame and Nadine sa kanilang Instagram accounts. Patunay nga ba itong matibay ang pa rin kanilang relasyon?

Hiling natin ang matibay na samahan para sa Jadine. Kung anuman ang isyung lumalabas, hiling natin na sanay maayos ang lahat para sa sikat na loveteam.

Ano sa palagay niyo mga ka-Bizz?

Please comment!

Saturday, 11 January 2020

Welcome to The Bizz

The Bizz is your daily doze of Philippines entertainment news and around the world. Feel free to comment and follow The Bizz social media accounts.

Thank you!


Tala fever ni Sarah Geronimo, unstoppable!

Isa ka rin ba sa na LSS sa kanta ni Popstar Royalty Sarah Geronimo na Tala o di kaya isa sa mga nag post sa Youtube or Instagram ng Tala ...